CAUAYAN CITY – Siyam ang naitalang biktima ng pagkalunod sa Magat at Cagayan River sa Isabela sa panahon ng paggunita ng Semana Santa.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Supt. Warlito Jagto, chief PCR at PIO ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) na naganap ang pagkalunod bunsod ng kapayapaan ng mga magulang ng mga batang nalunod habang nasa impluwensiya ng alak ang mga may edad na nalunod.
Sa Quezon, isabela ay nalunod noong Huwebes Santo ang 9 anyos na si Cesar Dictado sa pagpiknik sa ilog ng kanyang pamilya sa ilog sa Turod, Quezon.
Sa Angadanan, isabela ay 2 ang nalunod na kinabibilangan ng isang grade 4 pupil na taga Centro Dos, San Guillermo, Isabela at 21 anyos na si Rex Tumbaga na residente ng Alinam, Cauayan City
Sa Roxas, Isabela ay nalunod ang welder na si Virgilio Ordonio 41 anyos na nakainom ng alak na naligo sa Sifu River.
Sa Cabatuan, Isabela ay nalunod noong Sabado de Gloria sa Magat River sa barangay del Pilar ang 9 anyos na si Nicole Zarah, residente ng San Fermin, Cauayan City.
Sa Reina Mercedes, Isabela ay nalunod sa Cagayan River ang ang grade 10 student na si John Mark Capalungan ng District 1, Reina Mercedes.
Sa Lunsod ng Ilagan ay nalunod ang 3 anyos na bata habang sa Aurora, Isabela ay namatay sa pagkalunod ang dalawamput pitong taong gulang na nakainom ng alak na si Johnny Rivera.
Sa Cauayan City ay nalunod sa Cagayan River sa Adel Isidro.
Ayon kay P/Supt Jagto, sa panahon ng mahal na araw ay mayroon ding naitalang shooting incident sa Alicia at Quezon, Isabela habang may limang aksidente sa daan na naganap sa Lunsod ng Cauayan, San Manuel at San Pablo, Isabela.




