CAUAYAN CITY- Naniniwala ang pamunuan ng 7th Infantry Division ng Philippine Army na ang mga rebeldeng New Peoples Army na naka-engkuwentro ng mga sundalo sa barangay Burgos, Carranglan,Nueva Ecija ay maaring dadalo sa malawakang kilos protesta bilang paggunita sa ika-45th anibersaryo ng paggunita ng Martial Law sa kalakhang maynila.
Sa exklusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni 1st Lt. Catherine Hapin, Chief ng Public Affairs Office ng 7th Infantry Division ng Phil. Army na maaaring napadaan lamang ang labing limang kasapi ng NPA sa nabanggit na lugar at magtutungo sa Maynila upang dumalo ng kilos protesta ngayong araw.
Nauna rito ay nakatanggap ang Bravo Company ng 84th Infantry Batallion ng Philippine Army na ang 15 NPA ay nagsasagawa ng extorsion at paniningil ng revolutionay tax sa barangay Burgos Carranglan, Nueva Ecija na kanilang tinugunan subalit sila ay pinaputukan ng mga rebelde.
Sa 9 na NPA na napatay ay nakilala na ang apat sa kanila na sina Ka Razul, Ka Ato, Ka Bunso at Ka Xian.
Ang limang NPA kabilang ang isang Amazona ay hindi pa nakikilala at kumukuha na rin ng tulong ang militar mula sa PNP Carrranglan at Scene of the Crime Operatives upang matukoy ang kanilang pagkakilanlan.




