CAUAYAN CITY – Siyam mula sa animnapu’t apat na barangay sa Echague, Isabela ang nanatiling drug affected ayon sa PNP.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMajor Michael Esteban, hepe ng Echague Police Station sinabi niya na tuloy tuloy ang kanilang barangay drug clearing operations sa nalalabing siyam na barangay na drug affected.
Aniya, Bagamat may paisa isang drug suspect na nadadakip ay nanatiling kontrolado ng pulisya ang insidente ng iligal na droga katuwang ang BADAC.
Upang tuluyang maideklarang drug cleared ang naturang bayan ay kailangan munang sumailalim sa rehabilitation program ang mga “drug Pushers” at sa pamamamagitan ng Memorandum of Agreement ng PNP Echague at LGU Cauayan ay dadalhin ang naturang mga drug Pushers sa Balay silangan sa San Pablo, Cauayan City para sa rehabilitasyon upang makamit ang drug cleared municipality pagpasok ng taong 2022.
Nangunguna pa rin sa mga nadarakip na sangkot sa iligal na droga ang mga tinatawag na transient resident o mga dayuhan na pumapasok sa bayan ng Echague upang simulan ang transaksyon at magpasok ng iligal na droga.
Patuloy na pinaalalahanan ng pulisya ang mga residente na maging mapagmasid at alerto gayundin ang patuloy na pakikipag- ugnayan sa BADAC para mas mapaigting ang monitoring laban sa iligal na droga sa kanilang lugar.
Samantala patuloy na bumababa ang naitatalang krimen sa Echague dahil sa mas pinalakas na anti criminality campaign ng Pulisya sa tulong na rin ng komunidad.











