Sa edad na 92, hindi pa rin nagpapahuli si Antonio Rao sa takbuhan! Ngayong taon, muling tinapos ng Italyanong lolo ang Rome Marathon sa loob ng 6 na oras at 44 minuto.
Simula pagkabata, pagtakbo na ang buhay ni Rao. Nasa edad 10 pa lang siya nang tumakas mula sa kanilang bahay sa Calabria papuntang Rome.
Sa loob ng tatlong dekada, hindi siya lumiban ni isang beses sa prestihiyosong Rome Marathon, patunay na edad ay hindi hadlang sa pangarap.
Bawat linggo, nag-eehersisyo pa rin si Rao, tinatakbo ang 20 hanggang 30 kilometro bilang paghahanda sa kanyang susunod na marathon.
Noong 2023, ginulat niya ang mundo nang makapagtala ng bagong world record sa edad 90 matapos tapusin ang marathon sa loob ng 6 na oras at 14 na minuto.
Bagama’t aminadong may iniindang karamdaman kamakailan, hindi ito naging sagabal para sa kanya.
Para kay Rao, ang pagtakbo ay hindi lang isang sport kundi ito ay kanya ng buhay. Patuloy niyang hinihikayat ang lahat na kumilos, maglakad at tumakbo.
Sa kanyang edad, siya na marahil ang patunay na basta may determinasyon, walang imposibleng abutin