--Ads--

Nadiskubre ng mga tauhan ng 95th Infantry (Salaknib) Battalion ang isang Garand rifle at isang granada sa Barangay Canadam, Maconacon, Isabela.

Natagpuan ang mga kagamitang ito sa dating pinagkukutaan ng nabuwag na Komiteng Rehiyon–Cagayan Valley (KRCV).

Ang pagkakadiskubre sa mga nasabing kagamitan ay bunsod ng impormasyong ibinahagi ng mga residente sa lugar.

Maingat na isinailalim sa tamang disposisyon ng mga awtoridad ang mga nakuhang pampasabog at bala upang maiwasan ang anumang panganib sa mga sibilyan.

--Ads--

Patuloy ang 95IB sa kanilang panawagan para sa kapayapaan, pagkakaisa, kooperasyon, at malasakit tungo sa tuluyang pagpapanatili ng kapayapaan sa lalawigan ng Isabela.