--Ads--

CAUAYAN CITY– Nilalapatan ngayon ng lunas sa pagamutan ang dalawang lalaki matapos tambangan at pagbabarilin sa Barangay Cadsalan San Mariano, Isabela.

Ang mga biktima ay sina King Aglugob, 29 anyos at Jessy Rabago, kapwa residente ng naturang lugar.

Lumabas sa imbestigasyon ng mga otoridad na ang mga biktima ay sakay ng motorsiklo at patungo sa kanilang trabaho nang sila ay tambangan ng mga suspek na sina Gilbert Rabago at Rodnick Sales.

Si Aglugob ay nagtamo ng tama ng baril sa kaliwang kamay habang tinamaan naman sa kanyang leeg ang kanyang kasama na si Rabago.

--Ads--

Isinugod ang dalawa sa San Mariano Community Hospital habang ang mga suspek ay tumakas at ngayon ay tinutugis na ng pulisya.

Wala pang malinaw na motibo sa insidente.