--Ads--

CAUAYAN CITY – Magsasagawa ng sariling imbestigasyon ang National Bureau of Investigation Central Office sa umano’y pangingikil ng isang empleyado ng NBI Isabela District Office.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mr. Timoteo Rejano, OIC Provincial Director ng NBI Isabela District Office,  sinabi niya na siya na mismo ang sumulat kay NBI Director Dante Gieran na magsagawa ng patas na imbestigasyon kaugnay sa kumalat na video na diumano’y isa sa kanilang kawani ang nangikil mula sa isang aplikante na kukuha ng NBI clearance.

Personal din siyang nagtungo sa panlalawigang kapitolyo upang humingi ng paumanhin kay Governor Bojie Dy at nangakong maghaharap siya ng resulta ng pagsisiyasat ng NBI Central Office.

Anya, labis siyang nahihiya sa idinulot na pangyayari ng isa sa kanyang kawani na pinangalanang si Sabino Lemu.

--Ads--

Si Sabino Lemu ay  umaabot na sa  20 taon na  nagtatrabaho sa NBI Isabela District Office bilang security guard.