--Ads--

CAUAYAN CITY – Dinakip ng mga otoridad ang isang 18 anyos na binata dahil sa pag-iingat ng baril sa San Mateo, Isabela.

Ang suspek ay si Kenrick Pascual, out of school youth at residente ng Brgy. Malasin, San Mateo, Isabela.

Inaresto ang suspek dahil sa paratang na tinatakot umano niya ang ilang mamamayan gamit ang hawak na baril.

Sa pagtugon ng pulisya ay nahuli ang binata at nakuha sa kanyang pag-iingat ang isang 9mm pistol na may 2 bala.

--Ads--

Inihahanda na ng mga alagad ng batas ang kasong grave threat at pag-iingat ng baril laban sa suspek.