--Ads--
5th Infantry Division

CAUAYAN CITY – Handang tumalima ang pamunuan ng 5th Infantry Star Division ng Philippine Army sa anumang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Sgt. Erol Navata ng 86th Infantry Batallion na nakahanda silang sumunod sa direktiba ng pangulo na kanyang isasabak ang hanay ng militar sa kampanya kontra droga.

Aniya, ito ay bilang bahagi ng kanilang pagsuporta sa hanay ng Philippine National Police o PNP.

Ayon pa kay Sgt. Navata, bagama’t hindi maiiwasan ang tiwaling miyembro sa anumang hanay o organisasyon ay may mga pamamaraan naman umano ang pamahalaan upang ito ay malabanan.

--Ads--

Una nang inihayag ni Pangulong Duterte ang kagustuhan niyang gamitin ang militar sa kampanya kontra ilegal na droga dahil sa pagkakasangkot ng ilang pulis sa sinabing “Tokhang for ransom.”