--Ads--

CAUAYAN CITY–  Halos P/1,000,000.00 cash ang natangay ng mga suspek sa niloobang groserya sa pamamagitan ng tunneling sa Silauan Sur, Echague, Isabela.

Inihayag ng guwardiya na si Efren Perez, 25 anyos, binata at residente ng Echague, Isabela na nagsagawa umano siya ng inspeksyon kagabi makaraang makarinig ng ingay sa loob ng groserya subalit wala siyang nakita.

Sa pagpasok ng mga kawani ng nasabing tindahan ay nakita nila ang butas sa pader at natuklasang pinagnakawan ang Savers King Supermart

Maaring dumaan ang mga suspek sa drainage canal upang makapasok sa bahay paupahan at dito ay kanilang binakbak ang isang pader upang mapasok sa loob ng groserya.

--Ads--

Sa pagsisiyasat naman ng pulisya, humigit kumulang P/1,000,000.00 cash ang natangay ng mga suspek.

Nakuha sa drainage canal ang dalawang cellphone na maaring nahulog ng mga pinaghihinalaan.

Patuloy ang pagsisiyasat ng pulisya at Scene of the Crime Operatives ( SOCO ) sa nasabing panloloob.