--Ads--

CAUAYAN CITY –  Sinuspendi ang klase ng mga mag-aaral ng Saguday National High School sa Saguday, Quirino kaninang hapon dahil sa natanggap na bomb threat.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni P/Senior Insp. Dominic Rosario, hepe ng Saguday Police Station na sa kanilang pagtugon at pagsisiyasat ay naging negatibo naman ito.

Dahil dito pinawi ng hepe ang pangamba ng mga magulang at mga mag-aaral.

Sinabi ni P/Senior Insp. Rosario na may ilang nakatanggap ng isang text message ukol sa bomb threat at kanilang ipinasa naman sa mga kakilala.

--Ads--

Laman din aniya ng text message na magkakaroon umano ng bakbakan sa panig ng mga otoridad at rebeldeng New Peoples Army.

Dahil sa mga natanggap na text messages na nagdulot ng mga pangamba sa mga mamamayan ay pinauwi ang mga mag-aaral ng nasabing paaralan

Nanawagan ang hepe sa mga mamamayan na manatiling kalmado dahil walang katotohanan ang mga kumakalat na text messages sa kanilang bayan.