--Ads--

CAUAYAN CITY – Sumiklab na ang bakbakan sa pagitan ng mga sundalo at miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Maddela, Quirino.

Ang labanan ay nagaganap sa  Dihubatan, Cabua-an,  Maddela.

Ito ay kinumpirma mismo ng pamunuan ng 502nd Infantry Brigade,  Philippine Philippine Army.

Una rito ay sunu-sunod ang mga report na patuloy ang paglikas ng mga mamamayan sa San Martin, Cabua-an at Ysmael, Maddela, Quirino dahil sa presensiya ng  malaking bilang ng mga NPA.

--Ads--

Unang lumikas ang maraming residente sa San Martin,  Maddela dahil sa presensiya roon ng mga NPA na umano ay humihingi ng mga pagkain.

Hindi agad naglunsad ng opensiba ang militar para hindi madamay ang mga sibilyan.

Inalerto na ang Tactical Operations Group 2 ng Philippine Airforce para sa air support sa nagaganap na engkuwentro ng mga sundalo at NPA sa Maddela, Quirino.