CAUAYAN CITY – Nadakip sa magkakahiwalay na lugar ang tatlong tao na kasama Top Most Wanted Person Municipal Level sa Echague, Isabela.
Unang hinuli ng Echague Police Station ang Top Most Wanted Person Municipal Level at Top 18 Provincial Level sa kasong Robbery na si Victor Simon, 33 anyos, driver at residente ng Castillo, Echague, Isabela.
Ang akusadong si Simon ay nadakip sa Poblacion South, Solano, Nueva Vizcaya sa bisa ng Mandamiento De aresto na ipinalabas ni Hukom Bonifacio Ong ng RTC Branch 24 ng Echague, Isabela.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Chief Insp. Ruben Martinez hepe ng Echague Police Station , ang akusadong si Simon ay matagal ng minanmanan matapos makakuha sila ng impormasyong na siya ay nagtatago sa Nueva Vizcaya Province.
Nadakip din ang Top 2 Wanted Person sa kasong attempted murder na si Esteban Nicolas, 56 anyos at residente ng Libertad Echague,isabela.
Si Nicolas ay nadakip sa Dist 2, Cauayan City at sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni Hukom Bonifacio Ong ng RTC Branch 24, Ecahgue, Isabela.
Halagang 120,000 ang kailangang ilagak ng akusadong si Nicolas para sa kanyang pansamantalang paglaya.
Kabilang din sa nadakip ng PNP Echague ang Top 7 wanted person sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide na si Nico Paloma, 27 anyos at residente ng Ipil,Echague, isabela.
Si Paloma ay nadakip sa kanilang lugar at sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni Hukom Rodrigo Pascua ng MCTC Ramon, Isabela, at halagang 30,000 ang kinakailangan nitong ilagak para sa pansamantala nitong paglaya.