CAUAYAN CITY – Nagbunyi ang delegasyon ng Cagayan matapos maging back-to-back overall champion sa Cagayan Valley Regional Athletic Association (CAVRAA) Meet 2017 na magtatapos ngayong tanghali sa City of Ilagan Sports Complex sa Siyudad ng Ilagan, Isabela.
Ang Cagayan ang overall champion noong 2016 sa napanalunang 93 gold, 86 silver at 83 bronze medals.
Sa resulta na inilabas ng Games Result and Records Committee ng CAVRAA Meet 2017, nanguna ang delegasyon ng Cagayan sa pamamagitan ng mga napanalunang 91 gold, 79 silver at 92 bronze medals
Ang 2nd place ay ang Isabela na may 83 gold, 56 silver at 88 bronze.
Ang 3rd place ay ang Nueva Vizcaya na may 50 gold, 54 silver at 81 bronze medals.
Ang 4th ay ang Santiago City na may 40 gold, 29 silver at 32 bronze.
Ang 5th ay ang City of Ilagan na may 37 gold, 53 silver at 35 bronze
Ang 6th ay ang Quirino Province na may 28 gold, 41 silver at 40 bronze.
Ang 7th ay ang Tuguegarao City na may 25 gold, 35 silver at 59 bronze.
Ang 8th ay ang Cauayan City na may 8 gold, 15 silver at 18 bronze.
Ang 9th ay ang Batanes na may 2 gold, 1 silver at 3 bronze.
Ang mga atletang nagwagi ng mga medalya sa CAVRAA Meet 2017 ang kakatawan sa region 2 sa Palarong Pambansang 2017 na gaganapin sa buwan ng Abril sa San Jose de Buenavista, Antique.
Ang closing ceremony sa City of Ilagan Sports Complex ay pinangunahan ni Dr. Estela Carinio, regional director ng DepEd Region 2.
Ang CAVRAA Banner ay ipinasakamay ni Mayor Evelyn Diaz ng City of Ilagan kay Mayor Bienvenido de Guzman ng Tuguegarao City na siyang magiging host ng CAVRAA Meet 2018.