--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang lola habang nasa kritikal na kalagayan ang kanyang kaibigan na isa ring lola matapos mahagip ng tricycle sa Luyang, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Ang nasawi ay si Flordeliza Ambalque, 70 anyos habang patuloy na nilalapatan ng lunas si Yolanda Rinion, 73 anyos na kapwa residente ng Don Tomas Maddela, Nueva Vizcaya.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni P/Sr. Insp. Romeo Barnacha, hepe ng Bayombong Police Station, nasampahan na ng kasong reckless imprudence resulting in homicide and serious physical injury ang suspek na isa ring lolo na si Alfredo Inez, 66 anyos, residente ng Bonfal Proper, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Lumabas sa kanilang imbestigasyon na magkahawak kamay na tumawid sa pedestrian lane ang dalawang lola nang sila ay mahagip ng paparating na tricycle na minamaneho ni Inez.

--Ads--

Ayon pa kay P/Sr. Insp. Barnacha, inamin ng lolo na posibleng ang kahinaan na ng mata niya kaya hindi napansin ang mga patawid na biktima.