--Ads--

CAUAYAN CITY – Dead on arrival sa pagamutan ang isang tsuper ng tricycle matapos masalpok ng pampasaherong bus sa Del Pilar, Alicia, Isabela.

Kinilala ang biktima na si George Aquino, 40 anyos na residente ng Villaluz, Benito Soliven, Isabela habang pinaghihinalaan na tsuper ng florida bus ay si Jeomar Viernes, 32 anyos na residente ng San Juan, Tuao, Cagayan .

Sa paunang pagsisiyasat ng Alicia Police Station, ang biktima ay lulan ng kanyang tricycle patungong timog na direksyon nang umagaw ng linya ang pampasaherong bus dahilan upang masalpok nito ang biktima.

Sinikap naman umanong magpreno ni Viernes subalit hindi na nito naiwasan na nagresulta ng banggaan.

--Ads--

Nagtamo ng malubhang sugat ang biktima sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan na agad dinala sa pagamutan.

Sa ngayon ay nakakulong na ang tsuper habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanya.