--Ads--

CAUAYAN CITY – Nahaharap  sa kasong paglabag sa Cyber Crime Prevention Act of 2012 ang isang estudyante na inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) Cybercrime Division Manila dahil sa paggawa ng huwad na bank website.

Isinilbi ng mga otoridad ang search and seizure order na ipinalabas ng hukuman sa Metro Manila laban kay Christian Salvador sa tinutuluyan niyang apartment sa San Fermin, Cauayan City.

Ito ay tugon sa reklamo ang isang malaking bangko dahil sa kanilang natatanggap na sumbong mula sa kanilang mga credit holders na nacha-charge ng malaking halaga kahit hindi pa nila nagamit.

Inakusahan si Salvador ang isa sa mga nasa likod ng nasabing scam.

--Ads--

Ang kanyang ginagawa ay tinatawag na fishing o website penetration na kumukuha ng mga sensitibong impormasyon ng isang tao tulad ng password o bank details para makapagnakaw o magamit ito.

Binibili umano sa kanya ang impormasyon ng isang credit card holder sa halagang 5,000.

Si Salvador ay dean’s lister at kumukuha ng kursong Computer Science.

Dinala sa NBI Central Office ang suspek para sa kaukulang disposisyon.