--Ads--

CAUAYAN CITY- Ang isang IsabeleƱa ay batid ang mga nararapat para sa kanya at ang kanyang mga karapatan bilang isang babae.

Ito ang ihihayag ni Ex-Officio Member sa Sangguniang Panlalawigan ng Isabela Belinda Jamor, kasabay ng padiriwang ng Women’s Month.

Sinabi pa ni SP Member Jamor na ang kadalasang idinidulog sa kanilang tanggapan ay ang mga kaso may kaugnayan o Violence Against Women and their Children.

Sinabi pa niya na noong 2014 ay may ipinasang panukala tungkol sa Gender and Development at may ordinansa ang Prov’l. Gov’t. na tuwing unang miyerkules ng bawat buwan ay makakakuha ng diskwento ang mga kababaihan sa mga laboratory test

--Ads--

Sinabi pa niya na pangunahin sa kanyang tinutukan at ng Prov’l. Gov’t. ay ang pangkabuhayan para sa mga kababaihan.

Sinabi pa ni Sangguniang Panlalawigan Member Jamor na isasagawa ang pagdiriwang ng International Women’s Month sa bawat distrito ng Isabela sa March 28-31, 2017.

Isasagawa ng District 1 ang kanilang celebrasyon sa Cauayan City Coliseum; sa District 2 ay sa Roxas Astrodome; sa District 3 sa Ilagan Community Center at sa District 4 sa North Eastern College.