CAUAYAN CITY – Nakumpiska ng mga pulis sa kanilang One-time bigtime operation ang limang baril, mga bala at drug paraphernalia sa pagsisilbi ng search warrant sa tatlong bahay sa bayan ng Echague at Alicia, Isabela.
Sa bayan ng Echague ay naaresto si Flappi Gammad, 37 anyos, residente ng Purok 5, Castillo, Echague, Isabela.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni P/Chief Inspector Ruben Martines, hepe ng Echague Police Station na nasamsam sa bahay ni Gammad ang, isang 9MM pistol, isang Caliber 45 na baril.
Samantala, naaresto ang mag-amang Arturo at Ariel Acosta, kapwa residente ng Barangay Bagong Sikat, Alicia, Isabela.
Nasamsam sa bahay ni Ariel Acosta ang isang Calibre 45 at bala.
Nakuha naman sa bahay ni Arturo Acosta Sr. ang isang M16 armalite rifle, Caliber 45 baril at mga bala.
Sinabi ni P/Sr. Inspector Darwin Orani, hepe ng Alicia Police Station na ang mag-amang Acosta ay may mga kamag-anak na alagad ng batas at ang nakatatandang Acosta ay dating sundalo.
Inihahanda na ng mga otoridad ang kasong paglabag sa Republic Act 10591 (illegal possession of firearms) laban sa mag-amang Acosta.