--Ads--

CAUAYAN CITY – Hangad ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Isabela na dumami pa ang mga Pilipinong lahing marangal kaya pinarangalan sa pamamagitan ng isang resolusyon ang isang honest na barangay kapitan na nagsauli ng napulot na bag na naglalaman ng 2 million pesos cash.

Binigyan kahapon ng Sangguniang Panlalawigan ng Plaque of Recognition at envelope na may lamang cash si Barangay Kapitan Eduardo Mariano ng Bantug Petines, Alicia, Isabela.

Napulot kamakailan ni Kapitan Mariano sa daan sa tabi ng irrigation canal sa kanilang barangay ang bag na naglalaman ng malaking halaga ng pera.

Napag-alaman niya kinalaunan   na para ito sa payroll ng mga empleado ng National Irrigation Administration (NIA) matapos maghanap ang isang  kawani ng NIA na nakahulog sa bag habang binabagtas ang kahabaan ng daan malapit sa irrigation canal sakay ng motorsiklo.

--Ads--

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Kapitan Mariano na hindi niya inaasahan na ipapatawag siya ng Sangguniang Panlalawigan para bigyan ng pagkilala sa kanyang pagsasauli ng pera.

Umaasa siya na marami pang mga Isabelenio, pangunahin na ang mga opisyal ng barangay ang magiging honest at magsauli ng anumang bagay na hindi sa kanila.