--Ads--

CAUAYAN CITY – Ilang oras bago ang pormal na pagbubukas ng 12th Southeat Asian Youth Athletic Championships ay muling sinuri ng International Athletic Association Federation ang mga pasilidad sa Ilagan City Sports Complex.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Sangguniang Panlunsod Antonio Montereal Jr., chairman ng Committee on Information layunin ng grupo na madouble-check ang mga pasilidad upang matiyak na maayos ang paggaganapan ng mga laro.

Nauna na rin dumaan sa pagsusuri ng Philippine Athletics Track and Field Association o PATAFA ang Ilagan City Sports Complex.

Ayon pa kay Sangguniang Panlunsod Member Montereal, nagsisilakihang mga ilaw ang inilagay sa paligid ng sport compex alinsunod sa panuntunan ng PATAFA na kung gaano kaliwanag sa umaga ay pareho rin itong maliwanag sa gabi dahil ilan sa mga laro ay gaganapin sa gabi.

--Ads--

Samantala, 4:00 pm isasagawa ang parada ng mga foreign delegates sa harapan ng Ilagan City Hall patungo sa City Sports Complex.

Susundan ito ng isang programa ganap 5:00 pm kung saan maraming National Sports Officials ang magsasalita kabilang na si Ilagan City Mayor Evelyn Diaz at Isabela Governor Bojie Dy.

Ayon naman kay Supt. Ariel Quilang, hepe ng Ilagan City Police Station, nakaalerto na rin ngayon ang buong hanay ng kapulisan at Philippine Army sa pagbabantay sa mga loob at paligid ng Ilagan City Sports Complex.

Sa gate pa lamang ay mahigpit na ipinapatupad ang security measures upang maging mapayapa ang pagdaraos ng dalawang malaking sporting events.

Mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng anumang nakamamatay na bagay sa ilagan city sports complex.

Maging ang mga monopod, payong, alak at mga matutulis na bagay na planong dalhin ng mga manonood ay hindi rin papayagan na dalhin sa loob sports complex.