--Ads--

CAUAYAN CITY- Namamayagpag pa rin ang mga atlletang pinoy sa ikatlong araw ng 2017 Phil. National Open Invitational Athletic Championships sa Ilagan City Sports Complex.

Sa natapos na laro kaninang hapon ay nakasungkit ng gintong medalya para sa 400 meter girls si Divina Mahusay ng Bicol, nakukaha naman ang silver medal si Herica Goto ng Don Bosco Grey Wolves at bronze medal si Marygrace Samudia ng Team Baguio.

Sa 400 meter aboys ay nakuha ni Frederick Ramirez ng La-Union ang gold medal, ang silver medal ay nakamit ng Koronadal Team ang bronze medal ay ang Rizal team.

Nasungkit ni Daniela Daytana ng Dela Salle University ang gold medal sa discus throw girls na nagtala ng 34.64 meters, si Lea Fe Bagto ng team Baguio ang silver medal na nagtala ng distansiyang 33.57 meters at bronze ang nakamit ni Jasmin Remolino ng city of ilagan ,.

--Ads--

Sa long jump girls , nakuha ni Shiela Tailia ng Malay Aklan team ang gold medal na nakatalon ng 5.25 meters, si Rea Christine Rafanan ng team Pangasinan ang silver medalist na nakatalon ng 4.87 meters habang tumalon ng 4.86 meters para sa bronze medal si Ellen Bugot ng South Cotabato Athletics Association.

Si John Carlo Yuson ng Baculod, Ilagan City ay pumasok na sa finals makaraang pangunahan ang kanyang hits para sa 200 meter boys na maglalaro bukas.

Ngayong alas sais ng gabi ay nagpapatuloy ang mga larong long jump masters women/men, 1,500 meter girls final, 1,500 meter boys , 1,500 meter women at 1,500 meter men.

Magtatapos ang mga laro alas siyete ng gabi na susundan ng pagtatanghal ng aktor na si Sam Milby.