CAUAYAN CITY- Bukas ang pamunuan ng Philippine Amateur Track and Field Association o PATAFA para sa anumang mga reklamo o protesta ng mga atletang kalahok sa ginaganap na 2017 Phil. National Open Invitational Athletic Championships sa Ilagan City Sports Complex.
Ito ay bunsod na rin ng reklamo sa Bombo Radyo Cauayan ng ilang runners pangunahin na ang hinaing ng beterano sa SEA Games na si Gary Baniqued sa kanyang pagka-disqualify sa 20,000 kilometer walkathon kaninang umaga.
Iginiit ni Baniqued na hindi patas ang ginawa sa kanya at ilan pang kalahok at maganda naman ang kanyang performance at nang mabigyan ng red mark ay nag-ingat na siya.
Ginawa niya ang lahat para hindi magkaroon ng loose walk.
Ang nagwagi ng gold na si Lambert Padua ng Laguna na kasama sa Team Titus sa kanyang naitalang record na 1 hour 52 minutes.
Sinabi ni Padua na nakakuha siya ng dalawang red mark kaya nag-ingat na siya.
Ang kanyang pagbagal ang dahilan kung bakit hindi niya nakamit ang target na 1 hour 40 minutes.
Limang taon nang sumasali si Padua sa walkathon at nanalo na siya ng tatlong medalya.
Susunod niyang paghahandaan ang paglahok sa Philippine National Games.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PATAFA Seretary General Renato Unso na siya ring over-all na nangangasiwa ng national open na iginagalang nila ang katuwiran ng ilang hindi kontento sa pagpapatakbo ng nasabing palaro.
Sinabi ng opisyal ng PATAFA na ang mga referees, mga judges at mga competition officials ay lubos at kompleto ang kanilang pagsasanay maging ang mga katapat nila sa Lunsod ng Ilagan upang maging patas ang labanan.
Sinabi niya na ang mga mananakbo kahit pa man sila ay mga gold medalist at ilang beses nang sumali sa international competition ay hindi sapat upang hindi sila magkamali.
Sinabi niya na kung mayroong ihahain na protesta ay tatanggapin nila at susuriin