--Ads--

CAUAYAN CITY– Nadakip sa isinagawang entrapment operation ng CIDG Santiago sa parking area ng isang mall ang isang registered Nurse dahil sa pagbebenta ng baril.

Ang nasabing Nurse ay si Grace Dulnuan, 38 anyos, walang asawa at residente ng Santa Fe, Nueva Vizcaya.

Nasamsam sa kaniyang pag iingat ang isang kalibre 9MM na baril, isang magazine na may 9 na bala at marked money.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Insp. Micheal Bautista, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group o (CIDG) Santiago City, kanyang sinabi na nakipag-transaksiyon ang suspek sa kanilang secret agent at nagkasundong magkaroon ng bentahan ng baril.

--Ads--

Aniya ito ang unang pagbebenta ng suspek at hindi pa tiyak kung saan galing ang nasamsam na baril.

Walang kaukulang dokumento ang nasamsam na baril kay Dulnuan.