--Ads--

CAUAYAN CITY – Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming nabubuntis na mga menor de edad sa ikalawang rehiyon ang Lunsod ng Santiago.

Nanguna ang Santiago City batay sa talaan ng Population Commission o POPCOM Region 2, pumangalawa ang Lunsod ng Cauayan at pumangatlo ang Baggao, Cagayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni POPCOM Region 2 Director Angelito Obcena na nagsasagawa na sila ng workshop para sa mga kabataan hindi lamang may kaugnayan sa maagang pagbubuntis kundi ilan din sa kanilang pinagtutuunan ng pansin ay ang drug addiction at ang pag-inom ng nakalalasing na inumin.

Anya, naglatag ng mga polisiya, plano at programa para magsagawa ng workshop sa mga kabataan.

--Ads--

Naglabas na rin anya ng executive order si Punong-Lunsod Joseph Tan upang matugunan at mapigilan ang pagbubuntis ng maaga ng mga kabataan.

Ilan lamang anya sa dahilan ng maagang pagbubuntis ng mga kabataan ay dahil sa paggamit ng illegal na droga at pag-inom ng alak.

Inihayag pa niya na kumpara noong 2016 na mahigit 500 kaso ng teenage pregnancy.

Todo suporta rin ang pamahalaang lunsod sa mga kabataan sa pamamagitan ng pagbibigay ng seminar at sports fest upang hindi malihis ng landas.

Samantala, naitala ang pinakabatang nabuntis na 12 anyos na residente ng San Mateo, Isabela.