CAUAYAN CITY – Magsasagawa ng reenactment ng Senakulo ang mga bilanggo ng Nueva Vizcaya Provincial Jail bilang bahagi ng paggunita sa Semana Santa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Gng. Jovencita Balut ng Voluteers on Prison Service na pawang mga bilanggo ang magsasadula sa mga pangyayari hinggil sa mga dinanas ni Hesus Kristo bago at pagkaraang ipako siya sa krus.
Sinabi niya na ito na ang ikalawang pagkakataon pagkakataon na muling gaganap ang mga bilanggo sa pagsasadula ng Senakulo. Ito ay unang nilang isinagawa noong 2014.
Ayon kay Gng. Balut, layunin nito na maipadama at maipaalala sa mga bilanggo ang sakripisyo ni Hesus Kristo at inaasahan na magbubukas ito sa kanilang kaisipan upang tuluyang yakapin ang pagbabago.
Ang pagsasadula ng Senakulo ay gaganapin dakong ala-una y medya ng hapon sa araw ng Biyernes.
Inaasahang dadaluhan ito ng mahigit 1,000 na bilanggo kasama kanilang mga pamilya nila at opisyal ng Nueva Vizcaya Provincial Jail.
Sa pakikipag-ugnayan naman ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Jail Warden Fernando Pasion, sinabi niya na nakahanda na ang kanilang pamunuan para sa pagbibigay seguridad ng isasagawang aktibidad.




