--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy ang pagdayo ng maraming  deboto sa Our Lady of La Salette Shrine sa Balintucatoc, Santiago City.

Bukod sa magandang tanawin ay makikita sa lugar ang Stations of the Cross at ang Our Lady of La Salette chapel kung saan puwedeng manalangin ang mga deboto.

Hindi hadlang ang mainit na lagay ng panahon sa mga magkakapamilya at magkakaibigan na akyatin ang shrine na nasa tuktok ng bundok.

--Ads--

Maraming deboto ang panata na ang pagtungo sa nasabing lugar tuwing Semana Santa.

Nagsisilbi na ring ng mga magkakapamilya bukod sa napapalakas ang kanilang pananampalataya sa pagbisita sa lugar .

Kasama ng mga itinalagang kawani ng Pamahalaang Lunsod ng Santiago ang ilang tauhan ng Department of Public Order and Safety (DPOS) sa pagbabantay sa Our Lady of La Salette Shrine.

Daan-daang tao mula sa iba’t ibang lugar sa Isabela at mga karatig na lalawigan ang araw-araw na nagtutungo sa shrine mula noong Lunes Santo.