CAUAYAN CITY – Kabilang ang Bombo Radyo DZNC Cauayan sa mga binigyan ng award ng pamunuan ng 5th Infantry Star Division Philippine Army sa kanilang pagdiriwang ngayon ng 36th Founding Anniversary sa Camp Melchor F. Dela Cruz sa Barangay Upi Gamu, Isabela.
Ang Bombo Radyo Cauayan ay ginawaran ng Command Plaque dahil sa kontribusyon sa kampanya ng 5th ID sa peace and development.
Kabilang din sa mga binigyan ng parangal ang Bombo Radyo Tuguegarao, si Gov. Faustino Dy III ng Isabela at mga tauhan at opisyal ng 5th ID na nagkaloob ng tapat at mahusay na serbisyo.
Naging panauhin 36th Founding Anniversary sa Camp Melchor F. Dela Cruz si Kalihim Delfin Lorenzana ng Department of National Defense ( DND)
Kinilala ni Kalihim Lorenzana ang nagampanan ng 5th ID hindi lamang sa insurhensiya kundi maging sa kampanya kontra droga, disaster preparedness, disaster relief operation tuwing panahon ng sakuna.
Maliban kay Kalihim Delfin Lorenzana ay dumalo rin sa pagdiriwang ang Vice Chief of Staff ng AFP Lieutenant General Salvador Melchor Mison Jr.
Dumalo rin si Bishop Emeritus Joseph Nacua, Chairman ng Multi-sectoral Advisory Board ng 5th ID.




