CAUAYAN CITY – Patay ang isang estudyante, tatlo ang sugatan makaraang magbanggaan ang dalawang motorsiklong kanilang sinasakyan sa Libertad, Echague, Isabela.
Ang namatay na biktima ay si Joey Batwing, 16 anyos at residente ng Barangay Maligaya, Echague, Isabela.
Ayon sa imbestigasyon ng mga kasapi ng EchaguePolice Station, mabilis ang motorsiklong minamaneho ni Zairus Fernandez, 18 anyos kasama ang angkas nito na si Zairel Fernandez, 16 anyos nang mabangga ang papalabas sa kanto na motorsiklong minamaneho ng biktima kasama ang angkas nito na si John Jay Nicolas.
Sa impormasyon na nakuha ng Bombo Radyo Cauayan, nagpa-load lamang ang mga biktima at pinaharurot palabas sa highway ang motorsiklo.
Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga sakay ng motorsiklo.
Agad silang isinugod sa Echague District Hospital ngunit ideneklarang dead on arrival si Batwing habang ginagamot pa sina Nicolas, Zeirel at Zairus Fernandez.




