--Ads--

CAUAYAN CITY-Pinayuhan ni Lt. Col. Vladimir Cagara, Batallion Commander ng 86th Infantry Highlander Batallion ang mga mamamayan na maging mapanuri, vigilante at mapagmatyag sa lahat ng oras.

Ito ay matapos ang ilang mga balita ukol sa panghaharass ng mga rebeldeng New People’s Army pati na rin sa mga mensaheng ipinapadala sa ilang punong barangay ng mga nagpapakilalang miyembro ng NPA.

Sinabi ni Lt. Col. Cagara na kung may mga natatanggap na mensahe ng pangingikil mula sa mga nagpapakilalang NPA ay dapat na ipaalam ito sa hanay pulisya.

Anya may ilang mga mamamayan na sinasamantala ang isyu upang makapangikil ng pera gamit ang pangalan ng New People’s Army.

--Ads--

Idinagdag pa niya na maaring diversion tactics lang ito ng mga NPA upang mawala ang konsentrasyon ng tropa ng pamahalaan sa kanilang combat operations.

Ayon pa kay Lt. Col Cagara, ang insurhensiya ay hindi lamang problema ng militar kundi lahat ng sektor ng lipunan.

Kaugnay nito ay hinikayat niya ang mga mamamayan na gayahin ang ginawa sa Inabangga Bohol na dahil sa mapagmasid na mamamayan ay napigilan ang paghahasik ng karahasan ng mga Abu Sayaff Group.