--Ads--

CAUAYAN CITY- Lubos ang tiwala ni Governor Faustino Dy 111 na kayang kaya ng mga militar at pulisya na mapigilan na magkaroon ng spill over ang mga nagaganap na kaguluhan sa Minadanao

Nagbunsod ito para ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang martial law sa buong Minadanao.

Ito ang naging tugon ni Governor Dy sa ipinaabot ng Bombo Radyo Cauayan na pangamba ng ilang mamamayan na maaaring may nakapasok din na tagasuporta ng teroristang pangkat na maaari ding maghasik ng karahasan sa Isabela.

Ayon sa Punong-Lalawigan palagi ang kanyang pakikipag-ugnayan sa mga pinunong militar at pulisya sa isabela para matiyak na manatili ang kapayapaan sa Isabela sa kabila ng mga nagaganap na kaguluhan sa ilang bahagi ng Mindanao.

--Ads--

Sinabi niya na nakausap din niya ang maraming lider ng mga muslim at napatunayan na rin na hindi sila nakikialam sa mga nagaganap na kaguluhan sa kanilang lugar at tanging pagnenegosyo o paghahanap buhay ang hangad na tumira dito sa Isabela.

Sa kabila nito ay pinayuhan ng gobernador ang mga mamamayan na maging kalmado at isumbong sa mga otoridad ang anumang kahina hinalang kilos ng mga bagong mukha sa kanilang lugar.