--Ads--
CAUAYAN CITY – Nadakip ng mga kasapi ng San Mateo Police Station ang siyam na tao dahil sa paglabag sa PD 1602 (Illegal Gambing Law).
Ang mga nadakip ay sina Alvin Constantino, George Martin, Gilbert Versola, Mercy Cacal, Jerome Cadingoy, Andrew Quiambao, Alberto Manuel, Jun Mariano at Fibracio Luga.
Inihahanda na ng pulisya ang kaukulang kaso laban sa mga nadakip.
Samantala, pinag-aaralan pa ng San Mateo Police Station kung anong kaso ang maaring iharap sa iba pa na nagpakita ng hindi maganda asal habang isinasagawa ang pagdakip sa kanila.
--Ads--




