--Ads--

CAUAYAN CITY- Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Cauayan City Police Station sa naganap na pamamaril-patay sa isang tattoo artist sa Barangay District 2, Cauayan City.

Ang biktima ay si Rafael Tuppal,38 anyos, tattoo artist, binata at residente ng Barangay Turayong, Lunsod ng Cauayan.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, si Tuppal ay bumibili sa isang tindahan nang siya ay lapitan ng isang lalaki na nakasuot ng sumbrero at malapitang binaril.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Supt. Narciso Paragas, hepe ng Cauayan City Police Station, sinabi niya na patuloy ang kanilang imbestigasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek.

--Ads--

Anya, si Tuppal ay isa sa drug surrenderer ng Cauayan City Police Station at pang-siyam sa drug watchlist ng kanilang himpilan.

Narekober sa pinangyariahan ng pamamaril ang apat na basyo ng Cal. 45 baril.