--Ads--

CAUAYAN CITY – Mangiyak-iyak at nangingilid ang luha ng isang muslim trader mula sa Marawi City at isa ng barangay kagawad sa Lunsod ng Ilagan sa nababalitaang nagaganap sa lugar na kanilang pinanggalingan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Barangay Kagawad Wally Benito ng Baligatan, Ilagan City na nagdurugo ang kanilang puso sa nabalitang nangyayayari sa Maraui City.

Karamihan anya sa kanilang mga muslim trader sa Lunsod ng Ilagan ay tubong Marawi City

Binatikos din ni Kagawad Benito ang paglusob ng grupong Maute sa pusod ng Marawi City at nadadamay ang mga inosenteng sibilyan.

--Ads--

Inihayag pa ni Barangay Kagawad Benito na nakausap na nila ang mga kamag-anak sa Marawi City na ngayon ay nasa evacuation center at sinabi nagbabalak na ring magtungo sa Lunsod ng Ilagan o alinmang bahagi ng Region 2.

Tanging pakay lamang anya ng pagtungo nila dito sa Luzon ay para maghanapbuhay at hindi nila sunusuportahan ang anumang hakbang ng mga naghahasik ng terorismo sa bansa.