CAUAYAN CITY- Patuloy ang pagsisiyasat ng mga kasapi ng Mallig Police Station sa naganap na pagbaril at pagpatay sa isang barangay kagawad sa nasabing bayan
Ang biktima ay si Barangay Kagawad Angelito Castillo, 49 anyos, residente ng San Pedro, Mallig, Isabela.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni SPO4 Randy Garcia, tagasiyasat ng Mallig Police Station na lumabas sa kanilang pagsisiyasat at kuwento ng mga nakasaksi sa krimen na ang limang pinaghihinalaan ay sakay ng itim na montero sport.
Maaring sinundan ng mga pinaghihinalaan ang biktimang sakay ng kanyang motorsiklong may Kulong-kulong at nang makakuha ni tiyempo ay pinagbabaril ng maraming beses na nagsanhi ng kanyang kamatayan.
Nakakuha ang pulisya sa pinangyarihan ng krimen ng sampong basyo ng Cal. 45 baril.




