--Ads--

CAUAYAN CITY- Tahasang inihayag ng pamunuan ng Police Regional Office Number 2 ( PRO2 ) na nagpapalakas ng puwersa ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) kapag nagkakaroon ng usapang pangkapayapaan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Police Chief Supt. Robert Quennery, Regional Director ng Police Regional Office Number 2
na kapag nagkakaroon ng usapang pangkapayapaan sa bansa ay sinasamantala naman ng rebeldeng New People’s Army o NPA na buoin at mag-recruit ng kanilang puwersa dahil sa suspension of offensive na ipinapatupad.

Ang mahalaga anya ay maging handa ang pulisya at mapigilan ang puwersa ng mga rebelde.

Naging nakaugalian na rin ng mga rebelde ang paniningil ng revolutionary tax na pinagkukuhanan nila ng kanilang pondo

--Ads--

Dapat din anyang tignan ito ng mga mamamayan upang hindi na makapag-extort pa ang mga NPA.

Karamihan anyang nabibiktima ng mga rebelde sa kanilang extortion activities ay hindi nagsusumbong sa pulisya dahil sa takot na maaari silang balikan.