CAUAYAN CITY – Tiniyak ng pamunuan ng 5th Infantry Star Division na nakahimpil sa Camp Melchor Dela Cruz Upi, Gamu, Isabela na sapat pa rin ang natitirang puwersa upang mahadlangan ang anumang pagtatangka ng mga kalaban ng pamahalaan.
Ang pagtiyak ay ginawa ni inihayag ni Maj. Gen. Paul Atal, Commander ng 5th Infantry Star Division Ginawa makaraang ang 501st Brigade kasama ang 41st Infantry Batallion, 45th Infantry Batallion at 21st Infantry Batallion ay nasa kasagsagan ngayon ng pakikipaglaban sa mga pangkat ng terorista sa Minadanao pangunahin sa Zamboanga at Sulu.
Mahigit tatlong taon na ang mga nasabing sundalo ng 5th ID sa Mindanao at umaasa ang kanilang mga pamilya na makakauwi na sila sa madaling panahon.
Pangunahing inihayag ni Major General Atal na mahalaga ang pakikipagtulungan at pagbibigay impormasyon ng mga mamamayan sa mga otoridad kung mayroon silang makikitang kahina-hinalang mga tao o dayuhan sa kanilang mga lugar.




