CAUAYAN CITY- Dinakip ng mga kasapi ng Reina Mercedes Police Station ang isang magsasaka dahil sa kasong rape.
Pinangunahan ni Police Senior Inspector Bruno Palattao, Hepe ng Reina Mercedes Police Station ang pagsisilbi ng warrant of arrest laban kay Catalino Calimag, 65 anyos, may-asawa, at residente ng Labinab, Pequenio, Reina Mercedes, Isabala.
Ang Mandmiyento de aresto laban kay Calimag ay inilabas ni Hukom Isaac De Alban ng Regional Trial Court Branch 16 ng second Judicial Court sa Ilagan City.
Si Calimag ay dinakip dahil sa kasong rape in relation to Republic Act 7610 (child abuse law)
Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Calimag.
Agad na ipinasakamay sa BJMP Ilagan City ang suspek
Samantala, Dinakip ng mga kasapi ng Cauayan City Police Station ang isang Project Manager dahil sa kinakaharap na kaso.
Ang dinakip ay itinago sa pangalang Jong, isang Project Manager at residente ng isang barangay dito sa Lunsod ng Cauayan
Ang mandamiyento de aresto ay ipinalabas ni Hukom Maryjane Socan Soriano ng Municipal Circuit Court Cauayan City dahil sa kasong cuncubinage o pakikipid
Agad na naglagak ng piyansang P/10,000 si Jong kayat nakalaya pansamantala.
Ang kaso ni Jong ay sinampa ng kanyang maybahay dalawang taon na ang nakakaraan.




