CAUAYAN CITY – Nangangamba na mawalan ng trabaho ang mga Pilipino na naglilingkod sa mga eskwelahan at kompanya na pag-aari ng mga nationals ng mga bansang pumutol ng diplomatic relations sa Qatar.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Jovie Rivera Fermin, tubong Jones, Isabela, sinabi niya na nangangamba sila na maipapadeport sila kapag ipinasara ng Qatari Government ang pinaglilingkurang paaralan na pag-aari ng isang Egyptian.
Ayon kay Fermin, kinansela na ang visa ng mga nationals ng mga bansa na miyembro ng Gulf Cooperation Council o GCC.
Sa ngayon ay maayos naman ang kanilang kalagayan sa Qatar at umaasa sila na hindi maipapadeport kapag ipinasara ang pinaglilingkurang paaralan.
Samantala, inihayag naman ng ofw na si Grace Coloma na tubo rin sa Jones, Isabela at saleslady sa Doha, Qatar na mahigpit nang minomonitor ng Communication Regulation ang Ministry of Interior ang mga social media sites tulad ng WhatsApp, Twitter at Facebook.
Lahat umano ng mga device ay nakakonekta sa Ministry system at pinag-iingat sila sa mga ipinapadalang mensahe sa social media.




