--Ads--

CAUAYAN CITY – Tatanggapin na ng mga pinuno ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela ang Gawad Kalasag Award na pinakamataas na parangal na iginagawad ng National Government sa mga may mahuhusay na Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC)

Nagtungo na sa Kalakhang Maynila ang ilan sa mga kasapi ng PDRRMC at mga opisyal ng Provincial Government sa pamumuno ni Governor Faustino Dy III upang tanggapin ang Gawad Kalasag Award bukas.

Ang lalawigan ng Isabela ay Hall of Famer na sa nasabing Gawad Kalasag Award.

Kaakibat ng naturang parangal ang paggawad ng malaking halaga ng salapi na gagamitin sa pagbili ng mga kagamitan at gastusin ng PDRRMC.

--Ads--

Samantala pinagtibay na rin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela ang Local Disaster Risk Reduction and Management Fund Investment Plan mula Enero hanggang Disyembre 2017.

Kabilang sa pinaglaanan ng pondo ay ang Quick Response Fund, Climate Change Adaptation, Radio Program Plugging on Disaster Risk Reduction Management at iba pa.

Ang kabuoang inaprubahang pondo ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ay mahigit P/154 million.