CAUAYAN CITY- Patay ang isang maglalako makaraang masangkot sa banggaan ng tricycle at motorsiklo sa Barangay Tallungan, Reina Mercedes, Isabela
Ang namatay na si Jefferson Somera, 19 anyos, binata isang vendor ng nasabing barangay ay sakay ng kanyang motorsiklo nang makabanggan ang tricycle na minamaneho ni Roberto Visitacion, 40 anyos, may-asawa na residente ng Magleticia, Echague, Isabela.
Lumabas sa pagsisiyasat ng Reina Mercedes Police Station na sakay si Visitacion at Live-in partner sa tricycle papauwi na sa Echague nang umagaw sa linya ang motorsiklong minamaneho ni Somera makaraang tangkaing lumiko.
Nagsalpukan ang tricycle at motorsiklo kaya’t tumilapon si Somera at bumagsak sa sementadong daan.
Agad dinala sa pagamutan ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival ng kanyang attending physician.
Nagtamo ng gasgas sa kaliwang paa si Visitacion at bukol sa ulo ang kanyang kinakasama.
Inihahanda ang reckless imprudence resulting in homicide and damage to property laban kay Vasitacion.




