--Ads--

CAUAYAN CITY – Tatlo ang patay, isa ang nasugatan sa dalawang kaso ng pamamaril sa Isabela.

Napatay sa naganap na pamamaril sa National Highway Centro Uno, Mallig, Isabela ang biktima na si Romeo Pascual, 46 anyos, residente ng nasabing lugar.

Maraming beses na binaril ang biktima ng suspek na sakay ng itim na Fortuner.

Isunugod sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

--Ads--

Binaril ang dalawang drug personality na sina Florentino Mercado Jr. at Evelyn Tumanan sa Barangay Bantug, Roxas, Isabela.

Namatay si Evelyn Tumanan dahil sa tinamong tama ng bala ng baril sa katawan habang ginagamot sa isang ospital sa Lunsod ng Ilagan si Mercado.

Ang dalawang biktima ay pinagbabaril ng dalawang sakay ng itim na motorsiklo na walang plaka.

Patay din si Roque Uy, manggagawa at residente ng Dallig, Burgos, Isabela makaraang pagbabarilin ng riding in tandem criminal sa Catabban, Burgos, Isabela.

Ang biktima ay sakay ng kanyang motorsiklo nang sundan din ng isang motorsiklo na may sakay na dalawa na bumaril kay Uy na nagsanhi ng kanyang kamatayan.