CAUAYAN CITY – Labis ang pagsisisi ng isang graduating student matapos madakip dahil sa huli sa aktong nagpopot-session sa San Mateo, Isabela.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan sa naturang estudyante, kanyang sinabi na malaki ngayon ang kanyang pagsisisi dahil sa kanyang ginawa at nangako na hindi na muling gagawin pa ito.
Aminado siya na hindi ito nakinig sa payo ng kanyang ama na itigil ang pakikisama sa kanyang mga kaibigan.
Ang naturang graduating student ay magtatapos sana sa June 28, 2017.
Labis ang kanyang paghingi ng tawad sa kanyang mga magulang at iginiit na tulungan siyang ilabas sa kulungan.
Ayon naman sa kanyang ama, aminado siya na gumagamit ang anak ng ipinagbabawal na gamot at lagi niyang pinapayuhan na itigil ang masamang gawain subalit hindi siya pinakinggan nito.
Nangako naman siya na kanyang gagawin ang lahat upang makalabas ng kulungan ang anak upang maipagpatuloy nito ang kanyang pag-aaral.




