CAUAYAN CITY- Kasong acts of lasciviousness ang iniharap ng kapulisan laban sa isang driver bodyguard ng isang Director ng Commission On Human Rights (CHR) makaraang hipuan sa maseselang bahagi ng katawan ang katabing dalagang sales representative sa loob ng bus.
Ang pampasaherong bus ay galing sa Maynila patungong Tuguegarao City.
Naganap ang panghihipo sa maseselang bahagi ng katawan ng biktima nang suspek habang sila ay bumibiyahe kaninang umaga
Ang biktima ay itinago sa pangalangang Lyn, nasa tamang edad, native ng Cagayan ngunit pansamantalang naninirahan sa Maynila.
Ang suspek ay nakilala sa pangalang Benmiel, apatnaput tatlong taong gulang, may-asawa, isang driver bodyguard at residente ng Solana, Cagayan.
Sa pagsisiyasat ng pulisya ang biktima at suspek ay magkatabi sa upuan sa loob ng bus.
Mahimbing umanong natutulog si Lyn nang maramdamang may humahawak sa kanyang dibdib na hindi pinansin noong una subalit ipinagpatuloy ng suspek ang panghihipo kayat humiyaw na ang biktima at nagpatulong driver at conductor ng bus agad dinala sa Quezon Police Station.
Agad sinampahan ng kaso ang lalaki na kalaunan ay napag-alaman ng Bombo Radyo Cauayan na isa palang driver/bodyguard ng isang Director ng CHR.




