--Ads--

CAUAYAN CITY– Nasa talaan ng Ramon Police Station bilang drug surrenderer ang pinagbabaril kaninang umaga na si Jayson Castillo, nasa tamang edad, may-asawa at residente ng Purok 4, San Mateo, Isabela.

Noong Oktober 6, 2016 sumuko sa himpilan ng pulisya si Castillo bilang drug surrenderer.

Ang biktima ay nasa harapan ng kanilang tahanan nang pagbabarilin ng riding in tandem criminals.

Nagpapatuloy ang pagsisiyasat ng pulisya kaugnay sa pagpatay sa nasabing drug surrenderer.

--Ads--