CAUAYAN CITY- Nadakip na ng mga kasapi ng Alicia Police Station ang lalaking namugot sa ulo ng kanyang kinakasama.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PO2 Inocencio Dela Cruz, nadakip ang suspek na si Erick Sampaga, 20 anyos, residente ng Aurora, Alicia, Isabela sa kanyang pinagtaguang bodega.
Ayon kay PO2 Dela Cruz, mayroong nagbigay ng impormasyon sa pulisya na nakita ang suspek na umakyat at nagtago sa isang abandonadong bodega makaraang mapatay ang kanyang kinakasama na si Mary Ann Colobong, 20 anyos na residente ng Linglingay,Alicia, Isabela,
Nagsagawa ng operasyon ang pulisya at nadakip ang suspek ngunit hindi nakuha ang ginamit na patalim sa pagpatay sa biktima.
Inamin din ng suspek na nakulitan anya sa kanyang kinakasama dahil sa palaging nais na nitong mabuntis.
Inamin ni Colobong na pinagtataga niya ang biktima hanggang sa ihiwalay ang ulo sa katawan nito makaraang mag-away sa isang sementeryo kung saan sila nakatira ng matagal na panahon.
Inihahanda na ang kasong pagpatay laban sa suspek.




