--Ads--

CAUAYAN CITY – Naging highlight sa pagdiriwang ng ika-119th na anibersaryo ng araw ng kalayaan o independence day sa Cauayan City ang inilunsad na body paint .

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ng pintor na si Princess Joy Macarilay, labing pitung taong na residente ng District 1, Cauayan City, ang body paint ay isang paraan upang maipadama sa sambayanan ang kalagayan sa tuluyang paglaya ng bansa…

Naging patok din ang body paint kung saan dinumog ito ng mga mamamayan.

Mapa bata o matanda hindi nagpaawat sa pagpapapinta sa kanilang mga braso, kamay at mukha ng maliit na watawat ng Pilipinas

--Ads--

Anila, isa na rin ito sa kanilang paraan para ipagdiwang ang Independence Day.

Ang body paint ay handog ng isang malaking mall bilang pakikiisa sa programa ng Local Government Unit ng Lunsod ng Cauayan.