--Ads--
CAUAYAN CITY – Nagpahayag ng kahandaan si Cauayan City Mayor Bernard Dy kaugnay sa pagtanggap sa mga muslim na naiipit ngayon sa patuloy na bakbakan sa Marawi City.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni City Mayor Dy na hindi siya nababahala sakaling may magtutungo sa lungsod na kamag-anak ng mga muslim na nakatira ngayon sa Cauayan City.
Dagdag pa ng Punong-Lunsod, pabor siya na madagdagan ang muslim community sa lungsod ng Cauayan upang madagdagan din ang bilang ng mga mangangalakal na magnenegosyo sa lunsod.
Tiwala si Mayor Dy na may kooperasyon ang muslim community dito sa Cauayan City kaya hindi umano siya natatakot sa posibilidad na baka mahaluan ng mga terorista ang samahan ng mga muslim sa lungsod.
--Ads--




