--Ads--
CAUAYAN CITY – Pansamantalang nakalaya matapos magpiyansa si dating Governor Pedro Bacani ng Quirino Province makaraang arestuhin sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng Sandiganbayan dahil sa kasong graft.
Isinilbi ng mga kasapi ng Maddela Police Station ang madamiento de aresto laban kay dating Gov. Bacani, 72 anyos at residente ng Villa Sur, Maddela, Quirino.
Ang warrant of arrest laban sa dating gobernador ay ipinalabas ni Associate Justice Oscar Herrera Jr. ng 2nd Division Sandiganbayan sa Quezon City noong May 11, 2017.
Ito ay may kaugnayan sa kasong paglabag sa section 3 ng Republic Act 3019 o Anti-graft and Corrupt Practices Act.
--Ads--
Naglagak si dating Gov. Bacani ng piyansang 120,000 pesos sa 2 kaso ng graft sa Sandiganbayan.




