--Ads--
CAUAYAN CITY – Hanggang ngayon ay wala pang pahintulot ang Department of Labor and Employment ( DOLE ) na mag-recruit ng mga manggagawa ang mga recruitment agencies para ipadala sa Russia.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan kay Labor Secretary Silvestre Bello III, magpapadala pa lamang ang DOLE ng isang high level delegation sa Russia upang makipag-usap sa kanilang mga counterpart sa nasabing bansa.
Layunin ng ipapadalang High Level Delegation na alamin kung ano ang maaaring mapakinabangan ng Pilipinas sa Labor Sector ng Russia.




